Halos 200,000 doses ng Pfizer vaccine, dumating na sa bansa

Nasa bansa na ang unang batch ng COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer BioNTech.

Pasado 8:51 kagabi nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 ang Air Hong Kong Flight LD457 na may dala ng 193,050 doses ng Pfizer na nagmula sa COVAX Facility ng World Health Organization.

Mula sa paliparan ay dinala ang mga bakuna sa Pharmaserv Warehouse sa Marikina at nakatakdang ipamahagi sa Metro Manila, Cebu, at Davao.

Ang storage temperature requirement para sa bakuna ay -70 degrees Centigrade.

Sinabi ng Department of Health na susundin ang vaccine priority list sa rollout ng Pfizer na kinabibilangan ng medical frontliners, senior citizens, at persons with comorbidity.

Ilang buwang naantala ang pagdating ng Pfizer vaccine dahil sa issue ng indemnification deal o kung sino ang may pananagutan sakaling magkaroon ng adverse events o side effects sa post-vaccination.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.