Hanggang sa 12 taong pagkakakulong, naghihintay sa mga masasangkot sa child marriage

Multa na hindi bababa sa P40,000 at pagkakakulong ng hanggang labing dalawang taon.

Ito ang naghihintay na parusa sa sinomang masasangkot sa child marriage kasunod ng pagiging ganap na batas ng panukala.

Ayon kay Deputy Speaker Bernadette Herera, malaki ang maitutulong ng batas na ito upang protektahan ang mga kabataang babae at mabago ang takbo ng kanilang buhay.

Sa ilalim ng RA 11596 o End Child Marriage Act, mapaparusahan ang solemnizing officers, magulang, guardians, o sinoman na magsasagawa ng child marriage.

December 11 nag-lapse into law ang naturang panukala.

Malaki naman ang pasasalamat ni Herrera sa Pangulong Duterte sa suporta nito sa batas na matagal nang inilaban at isinulong ng Kongreso.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.