Harry Roque, umatras sa pagtakbo sa 2019 elections

Umatras na si dating Presidential spokesperson Harry Roque sa girian ng mga tatakbo sa pagka-senador sa May elections dahil sa usaping pangkalusugan.

Inirerespeto ng Malacañang ang desisyon ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque, na umatras sa kaniyang kandidatura sa pagka-senador.

Kasunod ito ng payo ng doctor kay Roque na kailangan nitong magpahinga ng dalawang buwan, at iwasan ang mapagod, matapos na sumailalim sa operasyon sa puso.

Sa maikling reaksyon, sinabi ni Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo na may karapatan naman ang sinuman na magbago ng desisyon.

Kaya nga, malaki ang posibilidad na bumalik sa gobyerno si Roque matapos na i-withdraw nito ang kanyang kandidatura sa pagka-senador sa May elections.

Inamin ni Roque na dahil sa isyung pangkalusugan kaya’t umatras na siya sa laban sa halalan sa Mayo.

“hindi imposible na bumalik ako sa gobyerno.. pero in the meantime need ko muna raw magpahinga for 2 mos.. and then less stress daw po. It is with a truly heavy heart that I announce the withdrawal of my senatorial bid,” ani Roque.

Kamakailan aniya ay sumailalim siya sa percutaneous coronary intervention matapos niyang madiskubre na mayroon siyang unstable angina coronary disease.

Sa mga nagdaang araw aniya ng procedure ay matapang niyang hinarap at ng kanyang pamilya ang reyalidad ng kanyang physical situation at kung ano talaga ang kahulugan ng kanyang aspirasyon sa public service.

Aniya, kailangan lang muna niyang sundin ang payo ng doktor at baguhin ang lifestyle sa kasalukuyan, at matapos nito ay magpapatuloy siya sa pag-aaral ng batas.

Pinasalamatan naman ni Roqie ang lahat ng mga sumuporta sa kanyang kandidatura. Tumakbo aniya siyang senador dahil nais niyang magserbisyo sa paraan na alam niya na siya ay epektibo.

Sa pag-atras niya sa pagtakbo sa Senado ay batid niyang may ibang plano ang Diyos sa kanya.

“Whatever they may think of my politics, those who have seen my work in both the public and private sector can attest to what I would have brought to the Senate. Unfortunately, for the moment, it seems that God has other plans.

Samantala, umaasa si Roque na darating din ang tamang panahon na makapaglilingkod siya sa sambayanan bilang mambabatas o sa kung anuman ang kapasidad mayroon siya.

“It is my sincere hope that I will someday again have the honor to serve the Filipino people as a legislator, or in whatever other capacity I may be of service. I continue to support our President and this administration and wish only the best for our country. God bless us all! ,” ang pahayag ni Roque.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.