Hatol na guilty laban sa mag-asawang Tiamzon itinuring na tagumpay ni DOJ Sec. Guevarra

Itinuring na tagumpay ni Justice Sec. Menardo Guevarra at ng buong Prosecution team, ang hatol na “guilty” ni Judge Alfonso Ruiz ng Quezon City Regional Trial Court Branch 216 laban sa mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon.

Ang mag-asawang Tiamzon ay napatunayang may-sala sa kasong Kidnapping and serious illegal detention, at nahatulang makulong ng reclusion perpetua o halos 40 na taong pagkabilanggo.

Inatasan din ng Korte ang mag-asawang Tiamzon na magbayad ng mahigit P200,000 damages sa complainant na si Lt. Abraham Claro Casis.

Magugunitang pinalaya ang mag-asawang Tiamzon noong taong 2016 makaraang makapag-piyansa at makasama bilang negotiator sa ginanap na peace talks noon sa pagitan ng gobyerno at CPP/NPA/NDF.

Muling inaresto sina Benito at Wilma Tiamzon matapos ibasura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usaping pangkapayapaan, at pinawalang-bisa ang Joint-Agreement on Safety and Immunity Guarantees.

Bukod sa kasong kidnapping ay iniuugnay din ang mag-asawang Tiamzon sa kasong multiple murder kaugnay sa natagpuang mass-grave sa Leyte, noong dekada otsenta.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.