Health professionals pwede na ulit magtrabaho sa ibang bansa – Palasyo

Pwede nang makaalis patungong ibang bansa ang health professionals na kumpleto na ang mga papeles “as of August 31.”

Ito ang inianunsyo ni Presidential spokesperson Harry Roque kung saan pumayag na umano si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na makaalis ng bansa ang mga medical professional matapos ang pansamantalang travel ban na ipinatupad ng gobyerno dahil sa COVID-19.

Ani Sec.Roque, sa hanay pa lamang ng nurses ay posibleng nasa 1,500 na ang maaaring muling makabalik ng kanilang trabaho sa ibat-ibang mga bansa.

Matatandaang, ilang mga apela na ang ipinarating nang mga grupo ng medical workers sa Pangulo na alisin na ang temporary ban.

Ang pasiya ng Chief Executive ay batay na din sa una ng board resolution ng POEA na isinumite sa IATF upang mapayagan na din sana ang health workers na kumpleto na ang kanilang dokumento hindi lang “as March 8” kundi hanggang “August 31” na.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.