Hidilyn Diaz kauna-unahang atletang Pinoy na nakasungkit ng gintong medalya sa Tokyo, Olympics

Mainit na congratulations ang ipinaabot ng Malacañang kay Hidilyn Diaz. 

Kasunod ito ng pagkakasungkit ni Diaz ng gintong medalya sa isinasagawa ngayong Tokyo Olympics. 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang pagkakapanalo ng ginto ni Diaz ay isang pagbibigay ng malaking karangalan para sa bansa. 

Ayon kay Roque, ipinagmamalaki  ng buong bansa si Diaz dahil sa karangalang naialay nito sa bayan.

Nasungkit ni Diaz ang Olympic gold medal  sa weightlifting women’s  55 kilogram competition.

Ito ang unang gintong medalya na nasungkit ng bansa sa Tokyo Olympics.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.