Higit 164,000 ng mga Overseas Filipinos na napauwi na sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic

Pumalo na sa kabuuang 164,368 Overseas Filipinos ang nakauwi na sa bansa mula nang pasimulan ng Department of Foreign Affairs ang repatriation efforts noong February 2020.

Base sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), nitong nakalipas na buwan ng Agosto bumuhos ang dating ng mga Overseas Filipinos na abot sa 42,583.

Nasa 76.1% ng mga OFWs na nakauwi noong Agosto ay mula sa Middle East habang ang iba ay mula sa Asia and the Pacific, Estados Unidos, Europe, at Africa.

Mayroon ding mga distressed Filipinos mula sa Malaysia, Qatar, UAE, Saudi Arabia, at Lebanon ang nakauwi sakay ng chartered flights na inorganisa at binayaran ng DFA gamit ang Assistance-to-Nationals Fund.

Sa tulong din ng Philippine Embassy sa Tehran at koordinasyon ng partner government agencies, napauwi din ang mga stranded OFWs sa Uzbekistan.

Ngayong pumasok na ang buwan ng Setyembre, ipagpapatuloy pa rin ng DFA ang pagpapauwi sa iba pang Pinoy na nasa iba pang panig ng mundo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.