Higit 17K silid-aralan na gagamiting quarantine facilities, madagdagan kung papayag ang private schools

Posible pang madagdagan ang mga classroom na magagamit bilang pansamantalang quarantine at isolation facilities kung papayag rin ang mga pribadong paaralan na ipagamit ang mga ito sa pamahalaan.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones, na nasa 17,910 classroooms mula sa kabuuang 50 percent ng mga pampublikong paaralan sa Metro Manila ang magagamit ng pamahalaan.

Kung papayag aniya ang mga pribadong paaralan ay lalaki pa ang numerong ito.

Sa kasalukuyan, patuloy aniya ang koordinasyon nila sa Department of Health (DOH), upang mapagtugma ang kanilang kapasidad na bantayan ang mga quarantine center na ito.

“We are now working out the numbers with the Department of Health para ma-correlate naman sa kanilang capacity dahil kung may quarantine centers, kailangan naman Sec. Harry na may magbabantay na galing sa Department of Health at saka magmo-monitor.” —Secretary Briones.

Una na ring sinabi ng kalihim, na hindi basta-basta ang g

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.