Higit 2,600 units ng body cameras, inaasahang matatanggap na ng PNP ngayong buwan

Inaasahang matatanggap na ng Philippine National Police (PNP) ang mga binili nilang body camera na makatutulong sa mga operasyon ng
pambansang pulisya .

Sa pagdinig ng Senado sa proposed budget ng Department of Interior and Local Government (DILG) at ng mga attached agencies nito, kabilang ang PNP, nanghingi ng update si dating PNP Chief at Senador Ronald dela Rosa sa procurement ng body cam ng puslisya.

Ayon kay PNP Chief Camilo Cascolan, 2,600 units ng body-worn cameras ang ide-deliver sa kanila ngayong Oktubre na napondohan ng P287-million.

Sa October 12 aniya ay isasailalim nila ito sa testing bago tuluyang ipamahagi sa mga pulis sa ground.

Sinabi ni Cascolan na ang magiging prayoridad nila sa paggagamitan ng mga body cam na ito ay ang anti-drug operations ng pulisya.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.