Hinamon ni Senator Zubiri ang DOE sa ‘No Kuryente Challenge’

Inisyu ni Senator Juan Miguel Zubiri ang ‘no kuryente challenge’ laban sa Department of Energy (DOE) kasunod ng bigong makapagbigay ng comprehensive plan para sa suplay ng elektrisidad sa far-flung areas sa bansa, Huwebes.

Inimbitahan ni Zubiri ang mga energy officials sa sumama sa kanya sa Bukidnon kung saan walang kuryente para makita nila ang paghihirap ng mga naninirahan doon, araw-araw.

Ayon sa datos ng DOE, Mindanao ang may pinakamababang porsyento ng elektrisidad kompara sa Luzon at Visayas.

Hindi naman sumagt ang DOE sa naturang hamon ngunit sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na naiintindihan niya ang pinanggagalingan ni Zubiri.

Iginiit ni Cusi na ang pagbibigay ng liwanag sa buong bansa ang layunin ng kanilang departamento kung saan kaakibat naman ang problema ng transmisyon at distribusyon sa Mindanao.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.