Hindi ako kampi sa administrasyong Duterte – Bersamin

Itinanggi ni Chief Justice Lucas Bersamin ang akusasyon na pumapanig siya sa administrasyong Duterte.

Nag-ugat ang naturang akusasyon nang bumoto pabor si Bersamin sa quo warranto case laban kay dating Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, maging ang pagsang-ayon nito sa deklarasyon ng martial law sa Mindanao.

Mas lalo pang tumindi ang akusasyon na one sided si Bersamin nang katigan nito ang pag-uphold sa constitutionality ng pagkakakulong ni Sen. Leila de Lima at paglipat kay dating president Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Sa panayam sa kanya ng CNN, sinabi ni Bersamin na unfair ang implikasyong pumapanig sya sa administrasyon.

Aniya, may iba’t ibang opinyon ang indibiduwal na tulad nya sa hustisyang nararapat ibigay sa isang kaso.

“I think that is an unfair implication, it is as if I am siding with the administration. I have always explained that a justice, such as me, when we study a case, we have different opinions,” ayon kay Bersamin.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.