Hirit na ABS-CBN franchise, sa susunod na Kongreso na – Speaker Velasco

Ipinauubaya na ni House Speaker Lord Allan Velasco sa susunod na Kongreso ang hirit na pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN.

Sa pahayag, sinabi ni Velasco na pokus ng House of Representatives ang iba pang priority measures ng Duterte administration lalo na limitado na lamang ang oras bago ang 2022 elections.

“On top of these priority legislation, we would like to see the passage of Bayanihan 3, as well as other economic bills geared toward rebuilding the Philippine economy, shattered by the devastating impact of the global pandemic and rebuilding the lives of every Filipino disrupted by the health crisis,” ayon kay Velasco.

Ang komento ni Velasco ay matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya papayagan ang pagbabalik operasyon ng ABS-CBN kahit pa bigyan ng prangkisa ng Kongreso.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.