Hirit na motion to dismiss sedition case vs Robredo at ilang oposisyon, ibinasura ng DOJ

Ibinasura ng panel of prosecutors ng Department of Justice ang motion to dismiss sa kasong sedition at iba pang kaso na may kaugnayan sa pagbubunyag ni whistleblower Peter Joemel Advincula sa planong destabilisasyon sa administrasyong Duterte.

Sa inilabas na kautusan ng DOJ panel, alinsunod sa manifestation ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group’s (PNP-CIDG), nakitaan na sapat na ang mga ebidensya na naisumite para suportahan ang reklamo.

“The motions to dismiss and to suspend proceedings based on those grounds are hereby denied,” giit ng DoJ panel.

Base sa rekord, pinangalanan ng CIDG sa kanilang isinumiteng charge sheet sa kasong sedition, inciting to sedition, cyber libel, libel, estafa and obstruction of justice si Advincula at 35 iba pang personalidad.

Sinabi ng special panel of prosecutors na binubuo nina Senior Assistant State Prosecutor Olivia L. Torrevillas; Assistant State Prosecutors Gino Paolo S. Santiago at Michael John M. Humarang, na wala silang nakikitang anumang dahilan para isuspinde ang isinasagawang proceedings.

“We stress that the panel shall only consider the evidence which had been filed and presented by the CIDG and the respondents are therefore obliged only to controvert in their respective counter-affidavits the evidence thus submitted by the complainant CIDG,” pahayag ng panel.

Iginiit ng panel na wala ring awtoridad ang Office of the Solicitor General na i-disqualify ang presentasyon ng CIDG sa kasalukuyang pamamaraan.

Base sa counter-affidavit na inihain ni Vice President Maria Leonor G. Robredo, isa sa respondents sa kaso, sinabi nito na hindi siya bahagi alegasyon.

“I reiterate my public statements that I will never be part of any destabilization plot since this is a subversion of the will of the people,” pahayag ni Robredo.

Ang mga respondents ay nahaharap sa mga kasong sedition, inciting to sedition, cyber libel, libel, estafa, harboring a criminal/obstruction of justice.

Kabilang sa mga pinangalanan sa reklamo ay sina dating Senator Antonio Trillanes IV; Jonnell P. Sangalang; Eduardo Acierto; Senators Ana Theresia N. Hontiveros-Baraquel at Leila de Lima; mula sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) president Abdiel Fajardo; IBP President Domingo Egon Cayosa, dating Supreme Court spokesman Theodore Te; lawyers Minerva Ambrosio, Serafin Salvador, at Philip Sawali.

Maging sina Senatorial candidates sa nagdaang eleksyon na sina Samira Gutoc-Tomawis, Paolo Benigno A. Aquino, lawyer Lorenzo “Erin” R. Tañada III, Gary Alejano, Florin Hilbay, Romulo Macalintal, at Jose Manuel Diokno ay kabilang sa kinasuhan.  

Kabilang din sa nahaharap sa kaso sina Yolando Villanueva Ong, Fr. Flaviano Villanueva, Fr. Albert E. Alejo, Fr. Robert Reyes, Bro. Armin A. Luistro, Cubao Diocese Bishop Honesto F. Ongtioco, retired Novaliches Bishop Teodoro Bacani Jr., Caloocan Bishop Pablo Virgilio S. David, former Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president Archbishop Socrates Villegas, publicist Boom Enriquez, Vicente R. Romano III, Danilo Songco, at film actor/activist Joel Saracho.

Isa ring may alyas “Sentrix” at “John Doe”, kasama si alyas “Bikoy”, ang pinangalanan na bahagi sa tinaguriang Project Sodoma, na umano’y nagsabwatan para idiscredit ang mga administration candidates noong May 13 elections.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.