Hontiveros kinondena ang pamamalagi ng Chinese vessel sa Julian Felipe Reef

Matinding kinondena ni Senador Risa Hontiveros ang patuloy na pamamalagi ng Chinese vessels sa Julian Felipe Reef na sakop ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na dapat nang lumayas ang mga Chinese vessels sa lugar dahil hindi sila puwedeng mamalagi doon o mangisda nang walang pahintulot sa ating pamahalaan.

“Ang titigas ng ulo. Misunderstanding nga ba o sadya na tayong niloloko,” aniya.

Sinabi ni Hontiveros na hindi nag-iisa ang Pilipinas sa laban na ito dahil tumindig ang international community pabor sa bansa sa pagkondena sa patuloy na panloloko at panghihimasok ng China sa ating teritoryo.

“China better pack up and leave. The world is catching on to China’s gray zone smokescreen. How long will it keep using “civilian” vessels to pursue military activities in our EEZ? A strategy based on lies and deception does not always make one sublime; sometimes, it also exposes one as lying,” ayon kay Hontiveros.

“May pandemya pa tayong nilalabanan, tapos ang Tsina nanggugulo pa,” giit pa niya.

Ayon kay Hontiveros na gustong maging lider ng Chinese Communist Party sa Asya pero sa halip, isa itong pinakamalaking bully sa rehiyon. “Instead of uniting the region, it has united the region against it. How long can such a regime hold any sort of mandate to lead the region? “

“As I’ve said in earlier statements, the Philippine government should also already study effective ways of making China pay for her incursion. Beijing has damaged parts of our seas beyond repair and it’s only right that it pays for this irreversible destruction,” ayon kay Hontiveros.

“We need to act now. We need to expel these “fishing vessels” from our EEZ and dismantle all illegal structures on the reefs and features we claim. Every delay on our end is an opportunity for China to seize what is justly and rightfully ours,” giit niya.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.