House leaders, suportado ang pananatili ni House Speaker Cayetano bilang lider ng Kamara

Nagkakaisa ang mayorya sa mga house leader na suportahan ang pananatili ni House Speaker Alan Peter Cayetano, bilang lider ng Kamara hanggang sa pagtatapos ng 18th Congress.

Ito ang inihayag ni Bulacan Representative Jose Antonito Sy-Alvarado sa naging panayam ng Radyo Pilipinas.

Sa isinagawa aniyang majority caucus kahapon, ay inihayag ng mga house leader at nakararami sa mga mambabatas, na nais nilang manatili sa speakership post si Cayetano.

Ayon kay Alvarado, karamihan sa mga house leader na ito ay pinuno rin ng political parties.

“Sinundan po ito ng pahayag ng suporta ng karamihan sa ating house leaders gayundin sa mga miyembro lalong lalo na sa patuloy na pamumuno ni Speaker Cayetano mula po ngayon hanggang sa pagtatapos ng 18th Congress.” ani Alvarado

Nabanggit din ng mambabatas, na sa pananaw umano ni Cayetano, kung hindi lamang nagkaroon ng mga coup attempt ay mas bukas ito para sa term sharing.

“Binabanggit po ni Speaker Cayetano na sa kanyang pananaw, kugn wala namang nangyaring mga coup attempt ay very much willing siya sa term-sharing agreement.” dagdag ng mambabatas

Sa isang hiwalay na statement, ay sinabi rin ni Deputy Speaker Neptali Gonzales II, na kung ipauubaya sa kanila ang desisyon ay pipiliin ng mayorya ng mga mabababtas na manatili ang Taguig representative sa speakership post.

Paliwanag ni Gonzles, malaki ang naitulong ng political experience ni Cayetano sa epektibong pamamalakad nito sa Kamara, at pagsusulong ng legislative agenda ng administrasyon.

Bilang dating naging senador at miyembro ng gabinete, ay nagamit umano ito ni Cayetano para sa maayos na pakikipag-ugnayan sa kanilang counterparts sa Senado at ehekutibo.

Ipinakita rin aniya ng Taguig Representative, ang pakikisama nito sa bawat miyembro ng Mababang Kapulungan sa kabila ng pagkakaiba ng political party.

Higit din aniya silang naging kumpiyansa sa kasalukuyang house leadership, dahil sa kabila ng pagtama ng COVID-19 ay nanatiling produktibo ang Kamara.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.