House Minority Leader Benny Abante, nanawagang ipasa na ang Freedom of Information Bill

Hiniling ni House Minority Leader Benny Abante ang agarang pagsasabatas ng Freedom of Information Bill.

Ito aniya ay upang mabantayan ang bilyong pondo na inilaan para sa coronavirus disease (COVID-19) response.

Ayon sa mambabatas, napapanahon na aniya ang naturang batas dahil ito ang magbibigay ng garantiya ng transparency, at accountability sa paggamit ng pera ng bayan, at maiwasan ang pagwawaldas sa pondo lalo at malaking pera ang inilalaan ngayon ng pamahalan sa laban kontra COVID-19.

Dagdag pa nito, na ang karapatan sa impormasyon ay nakasaad sa 1987 Philippine Constitution, ngunit halos tatlong dekada mula nang unang maihain ang Freedom of Information bill ay wala pa ring lumusot sa Kongreso na FOI Act.

Hinikayat naman ni Abante, na habang wala pa ang batas ay tiyaking maigi ng ehekutibo na napupunta sa mga dapat na proyekto at programa ang P162 bkillion na pondo sa ilalim ng Bayanihan 2.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.