House Speaker Cayetano, ‘Economic Federalism’ may chance kaysa Cha-Cha

Iginiit ni House Speaker Alan Peter Cayetano na ang implementasyon ng “economic federalism” ay posible sakaling hindi na lumusot ang Charter change (Cha-cha).

“We can actually revise the Internal Revenue Allotment Code and many other portions of the Local Government Code to bring us closer to economic federalism,” ani Cayetano.

“So, what we will do is we will multi-task. We will continue discussing Cha-cha in the committee level, not in plenary, and then we will push for the approval of these pieces of legislation,” dagdag pa nito.

Aniya, makakatulong ang ‘Economic Federalism’ sa libo-libong mga alkalde na sumusuporta sa pagreporma sa konstitusyon para sa “economic at social progress”.

Aminado rin ang mambabatas na makasasama lamang ang pagsusulong pa ng Cha-Cha at hindi rin ito prayoridad ng Mababang Kapulungan sa kasalukuyan

Nabatid na sinabi rin ni Senate President Vicente Sotto III na hindi prayoridad ang nasabing panukala sa mataas na kapuluhang habang sinabi rin ni Senator Sherwin Gatchalian na hindi nito nakikitang mangyayari ang Cha-Cha sa susunod na taon dahil sa economic challenges na kinahaharap ng bansa.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.