House Speaker Cayetano, hinamon si VP Robredo na maglatag ng mas magandang programa kontra iligal na droga sa bansa

Bumuwelta si House Speaker Alan Peter Cayetano sa pahayag ni Vice President Leni Robredo na palpak ang war on drugs ng Duterte administration.

watch the video here:

Ayon kay Cayetano,  kung talagang bigo ang war on drugs, ay hindi lalabas sa survey na 80% ng mga Pilipino ang nagsasabi na mas ligtas na ngayon ang bansa kumpara noon.

Mas marami na aniya ngayon ang natatakot na pumasok sa kalakaran ng ilegal na droga dahil sa ginagawang kampanya ng pamahalaan.

Dahil dito, hinamon ni Cayetano si Robredo at ang iba pang kritiko ng war on drugs ng pamahalaan, na maglatag ng mas magandang programa kaysa mambatikos.

Pinayuhan din nito si Robredo, na mag-ingat sa mga binibitawang salita lalo’t pangalawa siya sa pinakamataas na opisyal ng bansa.

Sa ngayon aniya, ay patuloy ang pagtatrabaho ng kongreso upang mapagbuti ang rehabilitation centers sa bansa maging ang pagtataguyod ng mga programa sa sports, upang mailayo na ang publiko sa iligal na droga.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.