House Speaker Cayetano, pumalag sa pag-batikos ng European Parliament

Pumalag si House Speaker Alan Peter Cayetano sa pag-batikos ng European Parliament na isa umanong panghihimasok sa panloob na usapin ng Pilipinas.

Ito ay matapos almahan ng EU Parliament naging pagbasura sa prangkisa ng ABS-CBN at ang kasong cyberlibel laban kay Rappler CEO Maria Ressa.

Ayon kay Cayetano, kinokontra raw kasi ng mga mambabatas ng EU ang gobyerno ng Pilipinas na hindi muna nagtatanong o sinisigurong tama ang hawak nilang mga impormasyon.

“The Philippine House of Representatives takes exception to the outright interference of the European Parliament in the purely domestic matters of the Philippines by dictating on the government ‘to renew the broadcast license’ of ABS-CBN and to ‘drop’ the cyberlibel charges against Maria Ressa,” diin ni Cayetano.

Isang resolusyon ang inilabas ng European Parliament noong September 17, kung saan ipinanawagan nito sa ating pamahalaan na bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN at ibasura ang kaso laban kay Ressa na nahaharap sa isa pang kaso ng cyberlibel case.

Nakapaloob din sa naturang resolusyon ang pagpapataw ng trade sanctions laban sa Pilipinas.

Buwelta ni Cayetano, na ang kaso ni Ressa na cyberlibel ay walang kaugnayan sa isyu ng press freedom batay na rin sa naging desisyon ng korte.

Hind rin aniya isyu ang press freedom ang hindi pagkakloob ng prangkisa sa ABS-CBN na naresolba matapos ang masusi at patas na pagdinig ng House Committee on Legislative Franchises.

Bukas naman ani Cayetano ang mga miyembro ng Kamara na makipag-usap sa mga counterpart nila sa European Union kung humiling ang mga ito ng dayalogo para talakayin ang mga isyu.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.