Human Rights Watch nanawagan ng ‘Immediate’ release ng Pride 20 na inaresto

Ipinanawagan ng international human rights group sa mga awtoridad ng Pilipinas ang agarang pagpapalaya sa tinaguriang “Pride 20” na inaresto sa Mendiola sa Maynila noong nakaraang linggo.

“Cracking down on protests is an affront to the very notion of Pride,” ayon sa Human Rights Watch.

“Authorities in the Philippines should immediately release all those arrested on June 26 and reaffirm their fundamental right to peaceful protest under domestic and international law,” dagdag nito.

Inaresto ang 20 nagpo-protesta, na kasapi at allies ng LGBTQ+ community, sa Mendiola kung saan nakatuon ito sa kontrobersiyal na anti-terrorism bill at iba pang usapin.

Dinala ang mga ito sa Manila Police District headquarters.

Binigyang-diin ng HRW na hindi ipinagbabawal ng batas sa bansa ang mga ganitong rally, lalo na’t sumusunod ang mga ito sa health rules.

Dagdag pa nito, hindi dapat gamitin ng pamahalaan ang COVID-19 pandemic “as an excuse to silence dissent and violate fundamental human rights, including freedoms of expression, peaceful assembly, and association.”

Sinabi ng pulisya na magsasampa ito ng kaso na may kaugnayan sa illegal assembly, unjust vexation, maging ang paglabag sa Republic Act No. 1132 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act laban sa mga indibidwal.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.