IATF, Hinihikayat ang pagsusuot ng face shields sa mga lugar na may low ventilation setting

Pinag-aaralan na rin ngayon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Diseases (IATF-EID) ang pagpapagamit ng face shield sa publiko katuwang ng face mask, lalo na sa mga lugar na mayroong low ventilation settings, tulad ng public transport.

Matatandaan na kasabay ng anunsiyo ng mga bagong quarantine classification sa bansa, binanggit ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang paggamit ng face shields para sa mga taga National Capital Region (NCR) at Region IV-A, kung saan mataas ang transmission ng COVID-19.

Gayunpaman, nilinaw ni Secretary Roque, na inirerekomenda pa lamang ito, at hindi mandatory.

Lumalabas kasi aniya sa mga pag-aaral, na ang paggamit ng face shields kasabay ng face mask at physical distancing ,ay mas magpapababa pa ng tiyansa na maipasa ang virus sa mga low ventilation setting.

Base sa Resolution No. 60-A ng IATF, inaatasan ang mga local government unit ng NCR at Region IV-A, na ipatupad ang mahigpit na minimum public health standards simula bukas (August 1).

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.