Iba’t ibang panukala, ipinakiusap ni PRRD na matalakay at maipasa na ng Kongreso gaya ng death penalty at dept of OFW’s

Sa ika-5 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, ipinakiusap nito sa Kongreso na talakayin at ipasa na ang iba’t ibang panukala na isinusulong ng kaniyang administrasyon.

“You know actually my speech if you followed it carefully, it’s all a plea to Congress to do this, to do that, to make a law or craft a whatever.” —Pangulong Duterte.

Ilan sa mga ito ang: Pagpasa sa panukala na bubuo sa Department of OFWs, na siya namang partikular na tututok sa mga concerns ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at pamilya ng mga ito.

“Kawawa kasi itong ating mga overseas. If it’s only an office there in the Labor department they are overworked or for whatever reason, their needs, their pleas are not really attended to with dispatch and with care.” —Pangulong Duterte.

Muli rin nakiusap ang Pangulo para sa pagpapasa ng Death Penalty sa pamamagitan ng Lethal Injection.

Kabilang rin ang pagpasa ng National Housing Development bill, Rental Housing Subsidy program. Ang panukala para sa advanced nursing education, medical reserve corps, uniformed system for separation, retirement, pension ng military at uniformed personnel. Maging ang panukala para sa modernisasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Immigration (BI).

Ipinakiusap rin ng Pangulo ang agarang pagpasa sa panukalang bubuo sa National Disease Prevention and Management Authority upang mas mabuti aniyang makatugon ang pamahalaan sa mga outbreaks sa hinaharap, lalo’t hindi aniya ang COVID-19 ang huling pandemic na tatama sa Pilipinas.

Kabilang rin ang panukalang bubuo sa Department of Disaster Resilience, bago pa man aniya tumama ang susunod na disaster na muling susubok sa bansa.

Inendorso rin ni Pangulong Duterte ang panukalang magpapatibay sa rural agricultural at fisheries financial system, at ang isinusulong na Internet Transactions Act, pagpasa sa National Land Use Act, pagbuo ng Boracay Island Development Authority (BIDA), at ang Coco Levy Trust Fund.

Sa SONA ni Pangulong Duterte, pinasalamatan niya ang Kongreso sa suporta nito sa mga programa ng administrasyon. Naging produktibo aniya ang Kongreso. Gayunpaman, sinabi ni Pangulong Duterte na marami pa rin ang kanilang kailangang gawin.

“I thank Congress for its support to this administration’s programs. Congress has been very productive. But much more remains to be done.”

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.