Iba’t ibang partido sa Kamara naglabas ng manifesto ng pagsuporta sa cha-cha

Nagpalabas ngayon ng “manifesto of support” ang iba’t ibang partido sa kamara upang suportahan ang Resolution for Both House na inihain ni House Speaker Lord Allan Velasco na ang pangunahing layunin ay maamiendahan ang probisyong pang-ekonomiya sa Konstitusyon.

Bahagi ng nakasaad sa manifesto ang “We, the leaders of the political parties and blocs comprising the majority in the House of Representatives express our full and unwavering support for the approval of Resolution of Both Houses (RBH) No. 2 entitled “Resolution of Both Houses Proposing Amendments to Certain Economic Provisions of the 1987 Constitution of the Republic of the Philippines.”

Kabilang sa nais maamiendahan ni Velasco ang Articles 12, 14 at 16 na sinang-ayunan naman ng mga kongresista sa pagsasabing ito ang magandang pagkakataon upang isailalim sa deliberasyon ang panukalang baguhin ang mga nabanggit naa probisyon.

“We believe that now is the most opportune time to resume the deliberation on the amendments to the economic provisions specified under RBH No. 2 for the primary purpose of mitigating and providing lasting solutions to the devastating economic effects brought about by the COVID-19 pandemic. In doing so, we hope to fortify and safeguard the foundations of our nation from future crises and curtail the severity of other economic regressions going forward.”

Sa sulat na nilagdaan mismo ni House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez ay sinabing nagkasundo ang mga mambabatas na ang gagalawin o babaguhin lamang ay ang probisyosng pang-ekonomiya na nilalaman ng RBH No. 2 upang mahikayat pa ang maraming investors sa bansa.

Sa interpretasyon ng mga mambabatas ay dapat na magkahiwalay ng botohan ng mga kongresista at senador.

“The House of Representatives remains steadfast with its position that when Congress proposes amendments to the Constitution, the House of Representatives and the Senate shall vote separately.”

Ang panukalang pagbabagos sa konstitusyon ay ilalatag sa taumbayan para sa ratipikasyon sa isang plebisito na isasabay sa eleksyon ng Mayo 2022.

“The House of Representatives remain firm in our resolve to utilize all means possible within the period left for the 18th Congress to adopt measures and introduce reforms that will provide the maximum benefit to the Filipino people and lead the country towards a robust and sustainable recovery,” ayon sa manifesto na nilagdaan ni Romualdez para sa Lakas-NUCD.

Kabilang din sa lumagda sa maifesto sina Deputy Speaker at Oriental Mindoro 1st District Rep. Salvador “Doy” Leachon, Rizal 1st District Rep. Michael John Duavit para sa Nationalist People’s Coalition, Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers para rin sa Nacionalista Party, Cavite 4th District Rep. Elpidio Barzaga Jr. para sa National Unity Party, Davao City 3rd District Rep. Isidro Ungab para sa Hugpong ng Pagbabago, Deputy Speaker at 1-PACMAN Rep. Michael “Mikee” Romero para sa Party-list Coalition Foundation Inc., at Aurora Rep. Rommel Rico Angara para sa independent bloc.

Samantala nangangamba si ACT-TEACHERS Partylist Rep. France Castro na hindi malabong maisingit ang political amendments sa deliberasyon ng Charter Change sa Kongreso.

Sa pagdinig pa rin ng House Committee on Constitutional Amendments, nagpahayag ng pagkabahala si Castro na kahit pa nakasentro lang ang house panel sa pagtalakay ng restrictive economic provisions ng 1987 Constitution ay posible namang magiba ng direksyon ang Senado at buksan ang pagamyenda sa political provisions.

Bagamat sa economic provisions nakatutok ang chacha sa Kamara, economic provisions at democratic representations naman ang sa Senado kung saan matatalakay dito ang “scope of power” at “term limits” ng mga halal na opisyal.

Lalo ring nabahala si Castro matapos sabihin ni Constitutional Amendments Chairman Alfredo Garbin Jr, na anuman ang maging produkto ng chacha sakaling umabot sa bicameral conference committee ay siyang raratipikahan at hiwalay na pagbobotohan ng 3/4 ng mga myembro ng Kongreso.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.