ICC minura ni Pangulong Duterte

Muling binira ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang International Criminal Court, sabay sabing hindi kailanman siya makikipagtulungan sa nakabinbin nitong imbestigasyon sa madugong giyera ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Noong nakaraang linggo kasi ay hiniling ni ICC chief prosecutor Fatou Bensouda sa korte na payagang buksan ang “full investigation” sa drug war killings sa Pilipinas sa katuwirang “crimes against humanity could have been committed.”

“Itong ICC, bullsh*t itong . . . I would not . . . Why would I defend or face an accusation before white people? You must be crazy,” ang diin pahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.

“‘Yung mga colonizers ito noon, they have not atoned for their sins against the countries they invaded, including the Philippines. Tapos ito ngayon sila, they’re trying to set up a court outside our country and making us liable to face them.Our laws are different. Our criminal procedures are different. How are you supposed to get justice there?” ang pahayag ng Pangulo.

Aniya, nagdesisyon siyang kumalas sa Rome Statute epektibo Marso 2019 dahil sa hindi aware si dating Pangulong Joseph Estrada sa kasunduan.

“Kaya ako nag-withdraw. And besides, I said, ang depensa ko, is ‘yung Rome Statute, na-ratify sa Congress, at itong mga unggoy na ‘to, dahil nga in their desire to, itong extrajudicial killing, dumiretso doon sa Rome and appended the treaty that was approved by Congress. But the law says that after Congress, you have to return the treaty to the President because the President now will order the Bureau of Printing to publish the statute or law, lalo na penal laws, you have to publish it in Official Gazette and that would put on notice, constructive notice, to all the people that there is a law. That is why na kung na-publish na ‘yan you can say ignorance of law excuses no one. Ganoon ‘yan,” paliwanag ng Pangulo.

“Hindi nga dumaan ng ano, ni hindi na ibinalik kay Estrada, idineretso na agad. In their hurry, they forgot. So how are you supposed to know about this god*mn laws or itong mga batas nila sa ICC. Mga ull,” dagdag na pahayag ni Pangulong Duterte.

Samantala, handa naman si Pangulong Duterte na harapin ang mga paratang laban sa kanya subalit kailangan sa korte ng Pilipinas at sa harap ng filipinong hukom.

“Tapos ako, magharap ng mga puti? Leche kayo. ‘Wag niyo akong . . . I will readily face a court, being accused in a Philippine court, before a Filipino judge,” anito.

Ang ICC ay nilikha sa pamamagitan ng 1988 UN statute kung saan ay mayroong hurisdiksyon sa 124 miyembro nito kabilang na ang Pilipinas.

Nilagdaan ng Pilipinas ang Rome Statute noong Disyembre 28, 2000, at naratipikahan at in-endorso noong August 2011, sa panahon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Sa ulat, Hindi na mababago ang desisyon ni Pangulong Duterte na kumalas na ang Pilipinas sa Rome Statute na lumilikha ng International Criminal Court o ICC.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque huli na ang pakiusap ng ICC.

Batay sa statement ng ICC hinihiling nito na huwag kumalas ang Pilipinas sa Rome Statute.

Ayon kay Roque naipadala na ng Pilipinas ang Notice of Withdrawal sa United Nations Secretary General office.

Inihayag ni Roque na dahil sa paglabag mismo ng ICC Special Prosecutor sa principle of complimentarity na nasa probisyon ng Rome Statute ang pangunahing dahilan kaya nagpasya ang Pangulo na umalis na sa ICC ang Pilipinas.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.