ICC, walang hurisdiksyon para sa full investigation sa war on drugs ng pamahalaan – Malacañang

Iginiit ng Malacañang na walang hurisdiksyon ang International Criminal Court (ICC) para sa full investigation sa war on drugs ng pamahalaan.

Sa PNP press briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang hiling ng ICC na imbestigahan ng buo ang war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte ay “legally erroneous” at “politically motivated.”

Ayon kay Roque, may sariling korte ang Pilipinas na naglilitis sa kaso sa drug war kaya hindi na dapat manghimasok ang ICC.

Kasabay nito, nagpasaring si Roque kay prosecutor Fatou Bensouda na nakatakdang magretiro ngayong araw.”Good luck to her political career in her home-state, but not at the expense of Pres. Rodrigo Duterte,” dagdag pa ni Roque.

Sinabi rin ng Palace official na insulto ang paratang ng ICC na posibleng may nagawang crime agaist humanity ang pamahalaan dahil sa drug war.

Dagdag pa ni Roque, hinding hindi makikipag-cooperate si Pres. Duterte sa ICC hanggang matapos ang kanyang termino sa June 30, 2022.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.