IFF pinuri ang Pilipinas sa gitna ng health crisis, pre-pandemic economic growth at public debt level ng bansa

Malaking bentahe ang hindi na dumaan ang Pilipinas sa tinatawag na low-growth problem bago pa man magsimula ang pandemya.

Ito ang nakalakip sa report ng Washington-based Institute of International Finance (IIF) na pinamagatang “Emerging Market Vulnerability and Contagion” na inilabas nitong nagdaang September 1.

Binanggit sa ulat na malaking bagay ang magandang takbo ng ekonomiya ng Pilipinas bago pa man nakapaminsala ang COVID-19 dahilan upang maharap nito ng hindi gayung kabigat ang virus economic shocks.

Ito ayon na rin kay IIF Deputy Chief Economist Sergi Lanau na nagsabing magandang lagay ng ekonomiya at estado ng debt level ng bansa.

Kung nasa posisyong mahina aniya ang lagay o takbo ng ekonomiya ng Pilipinas, tiyak aniyang wala itong kakapitang tibay na mga bentahe para makatawid sa nananalasa pa din ngayong health crisis.

Kung ikukumpara aniya sa iba pang emerging markets, mas nakakagastos at may napagkukunan pang resources ang pamahalaan dahil sa hindi naman gayung kalaki ang utang nito na hindi din naman nakitaan ng labis na pagtaas sa mga nakalipas na taon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.