Ikinatuwa ni Sen. Imee ang desisyon ng Sandiganbayan na ibasura ang ill-gotten wealth case laban sa kanyang mga magulang

Ipinagpasalamat ni Senator Imee Marcos ang naging desisyon ng Sandiganbayan na ibasura ang ₱267 million ill gotten wealth case laban sa kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos at inang si dating First Lady Imelda Marcos.

Sa isang pahayag, sinabi ni Senator Imee, na bagamat tatlumput apat na taon na ang nakalipas ay marubdob pa rin ang kanilang pasasalamat sa naging desisyon ng korte.

Kahapon, inilabas ng Sandiganbayan Fourth Division ang pagkakabasura ng forfeiture case laban sa pamilya Marcos.

Ayon sa korte, masyadong malabo ang kopya ng mga dokumentong isinumite ng prosekusyon na magpapatibay sana sa kaso.

Una dito, ibinasura na rin ng Sandiganbayan nitong Agosto ang ₱102-billion forfeiture case laban sa mag-asawang Marcos, at labing isa sa kanilang cronies dahil naman sa kakulangan ng ebidensya.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.