Ilang BOC personnel, nangangailangan na ng “spiritual intervention” – Malacañang

Ilang BOC personnel, nangangailangan na ng “spiritual intervention” – Malacañang

Nangangailan na sigurong pasukan ng ispiritwal na elemento o aktibidad ang ilang mga taga-Bureau of Customs (BOC), sa gitna ng lalim ng problema tungkol sa korapsiyon sa nasabing ahensiya.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sadyang nasa tao na ang problema at hindi na ang sistema sa loob ng BOC.

Kung aasahan daw kasi ang sistema, hindi na talaga mababago pa ito kaya’t ang kailangan na dito ay “internal transformation”.

READ: SWS Survey: 75% of Filipinos say country is in right direction

Ipinaliwanag ni Panelo, na kapag “internally transformed” kasi ang isang indibidwal, sarili mo na ang magsisilbing kalaban at doon tatama ang kahihiyan sa pag gawa ng masama.

Kamakailan lamang ay inilabas ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang listahan ng pinaka corrupt na ahensiya ng pamahalaan na kung saan, pumangatlo ang BOC, habang nanguna ang Department of Public Works and Highways (DPWH), na sinundan ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.