Ilang miyembro ng gabinete, pinuri ni PRRD na maaaring maging magaling na senador; Sec. Tugade, Sec. Villar

Nagpahaging si Pangulong Rodrigo Duterte sa ilan nitong miyembro ng Gabinete na pwedeng maging magaling na senador.

Ang pahapyaw ay ginawa ng Pangulo sa event na dinaluhan nito sa Dumaguete City, Negros Oriental kung saan ay kasama niya ang ilan sa mga Cabinet members.

Kabilang dito sina Transportation Secretary Arthur Tugade na pinuri ng Pangulo ganundin si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar.

Pero sa mga Cabinet members na nasa okasyon ay sinabihan ng Pangulo si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na pwdeng maging “good senator.”

Sa kabilang dako’y sinabi ng Pangulo na hindi naman aniya siya sigurado kung interesadong tumakbo si Labor Secretary Bebot Bello sa Senado na aniya’y maaaring sa Isabela kumandidato.

Ilan pa sa mga present ay sina Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar at Presidential Spokesperson Harry Roque gayundin si Senator Bong Go na biniro ng Pangulo na gusto daw maging Presidente.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.