Impeachment complaint vs. Leonen sisimulan sa susunod na linggo

Sisimulan na sa susunod na linggo ang pagdinig sa impeachment complaint laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen.

Nakatakda ito sa Mayo 27, Huwebes.

Inindorso ito sa House committee on justice nitong Martes.

Inihain ni Edwin Cordevilla, secretary-general ngFilipino League of Advocates For Good Government ang impeachment complaint laban kay Leonen nitong Disyembre 7, 2020.

Ayon kay Cordevilla, nilabag ni Leonen ang Konstitusyon matapos hindi maisara ang 37 kaso sa loob ng 24 buwan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.