Improvised Nebulizer! isang Bomba ng bisikleta ang gamit ng anim na taong gulang para sa amang may sakit sa baga

nebulizer2

Dahil sa kahirapan ito ang naisip na paraan ng mag-ama ang gumawa ng improvised nebulizer na gamit ang bomba ng bisikleta para makatulong sa paghinga ng amang may sakit sa baga.

Nagviral sa social media ang larawang ibinahagi ni Ian Carlos Simbulan, isang Program Researcher ng GMA Network, Inc.

 

Sa panayam ni Eumer Yanga Journalist ng GMA Network,  Bilang ako mismo’y may hika, ramdam ko ang kalbaryo sa pang-araw-araw ni Tatay. Ang kagustuhang makahinga ng maayos ay nakasalalay sa bawat pagbomba ng kaniyang mga anak na sa murang edad ay mulat na sa kalagayan ng kanilang pamilya.

Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa iyong ama?

Si Catherine, sa murang edad niya na anim, walang pagod sa pagbomba ng gawa-gawa nilang nebulizer para mapagaan ang pakiramdam ng ama. #Nebulizer

nebulizer

Ayon sa dokumentaryo na Front row, May sakit na emphysema si Mang Eddie Cadiente, dala ng kahirapan sa buhay ay nagtitiis siyang gamitan ang bomba ng bisikleta upang maibsan ang karamdaman.

Sa tulong ng bomba ng bisekleta, dito nila pinapadaloy ang gamot upang kanyang malanghap at  maging maayos ang paghinga. Hindi na rin makatayo si tatay upang tulungan ang pamilya at makapagtrabaho.

Kapos rin sa pera ang pamilya, kaya naman tanging asin at mainit na tubig lamang ang nagsisilbing gamot ni tatay na kanilang nilalagay sa improvised na nebulizer.

 

 

Samantala, Isang kumpanya ang nagbigay ng dalawang portable nebulizer at isang compressor nebulizer para kay Tatay. Lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga nais tumulong! Mabuhay po kayo! 🙌🏻 ayon kay Eumer Yanga.

nebulizer1

“HEARTBREAKING IMAGE”
Dahil walang nebulizer, isang bomba ng bisikleta ang ginagamit ni Catherine, 6 na taong gulang, para mapadaloy ang gamot at maibsan ang sakit na emphysema ng ama.

Para sa mga nais tumulong, maaaring tumawag o magtext sa 09672307914 at direkta po kayong ikokonekta kina Catherine.
Salamat sa panonood ng aming dokumentaryong “Nebulizer” sa FrontRow sa GMA7”

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.