Inaasahang mauunawaan ni VP Leni Robredo ang mga nasawi sa kampanya vs. droga

Maaari nang mapagtanto ni Vice President Leni Robredo ang reyalidad o tunay na nagaganap sa ground sa tuwing may anti- illegal drugs operation.
Ito ang sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo ngayong si VP Leni na ang tatayong anti- drug czar ng pamahalaan sa ilalim ng Duterte Administration.
Sinabi ni Sec. Panelo na sa kasalukuyang posisyon ng bise Presidente ay pwwdeng mabago na ang persepsiyon nito patungkol sa mga napapatay na drug suspect gayung maaaring makikita na nito ang aktuwal na pangyayari at kung paano lumalaban ang mga otoridad kontra sa mga sangkot sa iligal na droga.
Hindi na ani Sec. Panelo ngayon basta magdedepende lang sa kanyang mga naririnig ang bise Presidente at sa halip, mapagtatanto na nito na kaya pala may namamatay na suspek sa iligal na droga ay dahil sa ang mga itoy nanlaban at sa kabilang banday kailangan din namang protektahan ng mga otoridad ang kanilang mga sarili.
Si VP Leni na aniya ngayon ang makakaalam kung tama o mali ang mga sinasabi ng mga kalaban ni Presidente kung pag- uusapan ay kung paano ipinatutupad ng gobyerno ang drug war nito.