Indian PM Narendra Modi, tiniyak na makikinabang ang Pilipinas sa dini-develop nilang bakuna kontra COVID-19

Pinagtibay ng Pilipinas at India ang bilateral cooperation ng dalawang bansa sa naganap na phone call sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at Indian Prime Minister Narendra Modi, na tumagal ng 25 minuto.

Nangako ang dalawang lider ng pagtutulungan laban sa COVID-19, at kapwa tiniyak ng mga ito ang kanilang commitment sa paggamit ng international at bilateral cooperation upang epektibong malaban ang kasalukuyang global pandemic.

Sa nasabing pag-uusap, tiniyak ni Prime Minister Narendra Modi kay Pangulong Duterte na magbe-benepisyo ang Pilipinas sa bakuna na kasalukuyan ngayong pinag-aaralan sa kanilang bansa. Siniguro rin ng lider na magpapatuloy ang India sa pagsu-supply nila sa Pilipinas ng murang gamot at COVID-19 pharmaceutical products.

Kinilala naman ni Pangulong Duterte ang effort ng India na maka-develop ng bakuna laban sa COVID-19, maging ang papel nito bilang global producer at pinagmumulan ng mura at accessible na medisina.

Pinapurihan rin ng Pangulo si Prime Minister Modi sa pagpayag nitong mag-export ang India ng pharmaceutical products.

Binigyang-diin rin ng dalawang lider ang kahalagahan ng pagbabahagi ng aral at mga paraan sa pagtugon sa COVID pandemic.

At kapwa nagpaabot ng pasasalamat sa isaโ€™t isa ang ang dalawang lider sa kanilang assistance na makauwi ang mga Pilipino at Indian nationals sa gitna ng mga umiiral na lockdown.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.