Inflation rate ng Pilipinas bumaba ng 6.0% ngayong Nobyembre ayon sa (PSA)

Bumaba sa 6.0 percent ang inflation rate o pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin at serbisyo ngayong Nobyembre, ayon sa Philippine Statistics Authority.

Tinanggap ng Malakanyang na magandang balita ang pagbagal ng inflation rate nitong Nobyembre kung saan mula sa 6.7 percent noong Oktubre, pumalo na lamang ito sa 6.0 percent base sa report na inilabas Philippine Statistics Authority (PSA).

Tiniyak ni Presidential spokesperson Salvador Panelo Jr. sa publiko na patuloy silang magiging bigilante at naka-monitor sa presyo ng mga pangunahing bilihin at pangangailangan upang matiyak na mawawalis ang hunger incidence at food insecurity.

Naniniwala ang Department of Budget and Management (DBM) na muling maitatala ang inflation rate ng bansa sa dalawa hanggang apat na porsiyento sa susunod na dalawang taon.

Ang dahilan ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, humupa na ang presyo ng mga produkto na nagpapataas sa inflation o ang halaga ng mga pangunahing bilihin.

Contributory factor dito ayon sa Kalihim ay ang patuloy na mga hakbang na ginagawa ng gobyerno para matiyak na stable ang food supply sa merkado, partikular na sa suplay ng bigas, karne at gulay sa palengke.

Matatag ani Diokno sa ngayon ang suplay sa mga pamilihan ng nasabing mga pagkain habang nagbigay garantiya naman ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na sapat ang suplay ng isda sa mga palengke.

Ilang oras pa lamang ang nakalilipas ay nag-anunsiyo ang Philippine Statistics Authority (PSA), na bumaba na sa 6% ang inflation rate noong nagdaang buwan mula sa dating 6.7 percent noong Oktubre ng kasalukuyang taon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.