Inflation rate noong Setyembre, bumagal sa 2.3 percent ayon sa PSA

Bahagyang bumagal ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa sa antas na 2.3 percent nitong Setyembre 2020.

Ito’y mula sa 2.4 percent na naitala noong Agosto.

Katumbas ito ng 2.5 percent year-to-date average inflation para sa taong 2020.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), resulta ito ng pagbagal sa presyo ng pangkat ng pagkain sa National Capital Region.

Bumaba ang presyo ng mais ng 7.0 percent; isda, kagaya ng lapu-lapu at dalagang bukid sa 0.2 percent; at gulay, tulad ng talong at sayote sa 4.2 percent.

Pinakamababa na inflation ang naitala sa mga rehiyon sa labas ng National Capital Region tulad ng Davao Region na may inflation na 0.8 percent.

Apat na pangkat ng pagkain na nagpakita ng pagtaas ng presyo ngunit sa mas mabagal na antas.

Kabilang dito ang cereals, flour, cereal preparation, bread, pasta, at iba pang bakery products tulad ng cupcake.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.