Information gap sa nakalipas na typhoon Rolly, dahil sa di pag-renew ng ABS franchise, kinontra ng PIA

Kinontra ni Philippine Information Agency Director Ramon Cualoping ang umano’y “information gap” o kakulangan sa paghahatid ng impormasyon sa nagdaang bagyong tumama sa bansa dahil sa non-renewal sa prangkisa ng ABS-CBN.

Sinabi ni Undersecretary Cualoping, nagkaroon ng mas malawak na reach ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) para sa mga update na inilalabas ng PAGASA tungkol sa bagyong Rolly.

Katunayan aniya dito ay ang pagpapakilos sa 78 mga provincial offices ng Philippine Information Agency (PIA) bukod pa sa 32 himpilan ng Philippine Broadcasting Service (PBS), higit 23 stations ng PTV-4 at IBC-13 gayundin ng 16 na provincial bureaus ng Philippine News Agency (PNA) at Bureau of Communications Services (BCS).

Dagdag ni Cualoping na kahit noon pa mang nagsisimula pa lamang ang COVID-19 pandemic ay in-activate na ng PCOO ang Laging Handa Crisis Communications platform na dito ay epektibong nabibigyan din ang mga private communication organization ng kailangang impornasyon mula sa mga concerned government agencies.

Kaugnay nito’y una na ding inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na wala namang vacuum of information sa naganap na typhoon Rolly coverage gayung marami din namang mga pribadong news networks ang tumutok sa nagdaang kalamidad.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.