Infrastructure spending sa ilalim ng Duterte Administration, higit sa doble kung ikukumpara sa nakaraang administrasyon

Malaki ang itinaas ng infrastructure spending ng pamahalaan lalong-lalo na sa ilalim ng Duterte administration.

Base sa record, sinabi ni Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President at CEO Secretary Vince Dizon na sa nakalipas na tatlong taon ay lumalabas na katumbas ng anim na porsiyento ng Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas ang naigugol sa mga proyektong imprastraktura.

Sinabi ni Dizon na magmula noong 2017 hanggang 2019 ay halos isang trilyong piso ang ginagastos ng gobyerno para sa mga proyektong imprastraktura.

lubhang mas malaki aniya ito sa
2001 hanggang 2010 na ₱100-bilyong piso o nasa mga 1.6% ng buong ekonomiya ng bansa na ginastos sa infrastructure ng ating gobyerno.

Tumaas naman ito ng noong 2011 hanggang 2016 sa ₱370 billion pesos o pumapatak na 3% ng GDP ng Pilipinas.

Ang ginagawang paggastos ng pamahalaan paliwanag pa ni Dizon ay klarong commitment ng Pangulo na ang pondo ay dapat naman talagang ilaan para ayusin ang aniya’y napakamakaluma ng imprastraktura sa bansa.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.