Inirerekomenda ang Random Checkup ng mga kadete sa PMA

Nais ni House Deputy Majority Leader Bernadette Herrera na magpatupad ang pamunuan ng Philippine Military Academy (PMA) ng random checkup sa mga kadete. 

Dito aniya malalantad kung may mga kadete na pinapahirapan at naaabuso sa akademya. 

Binigyang diin ni Herrera-Dy sa lingguhang press conference ng Partylist Coalition na mawawala ang pang-aabuso sa Anti-Hazing Act of 2018 kung palagian ang paga pasasagawa ng random checkup sa mga kadete. 

Samantala, inirekomenda naman ni DIWA Partylist Rep. Michael Edgar Aglipay na mula sa third party ang magsasagawa ng eksaminasyon sa mga kadete. 

Ito aniya ay para hindi maulit ang nangyari sa pagkamatay ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio na hindi naibigay ng mga doktor ng PMA ang tamang findings sa lagay ng plebo. 

Dapat din aniyang maparusahan ang mga doktor na nagpabaya sa kaso ni Dormitorio. 

Hiniling naman ni Herrera sa Department of National Defense at sa PNP na isumite ang listahan ng mga training na pinagdaraanan ng mga kadete para ma-classify at maisama sa Anti-Hazing Act

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.