Insidente ng carnapping sa buong bansa, bumaba ng 56.8% noong Mayo

Bumaba nang 56.8 porsyento ang insidente ng carnapping sa bansa noong Mayo.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Col. Bernard Banac, nakapagtala lang ang Highway Patrol Group (HPG) ng 19 na insidente ng carnapping noong nakaraang buwan, kumpara sa 44 noong Mayo 2018.

Base sa datos ng PNP, ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ang may pinakamaraming iniulat na kaso ng carnapping.

Habang zero incident naman ang iniulat sa PROs 1, 2, 4a, 5, 6, 8, 9, 11, 13 at BARMM.

Ayon kay Banac, ipinapakita ng datos na naging epektibo ang pinaigting na kampanya kontra kriminalidad, at ang walang tigil na kampanya ng HPG laban sa mga carnapping syndicates sa buong bansa. 

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.