Isa pang disqualification case laban kay BBM, isinampa sa COMELEC

Isa na namang panibagong petisyon ang inihain sa COMELEC na humihiling na idiskwalipika si presidential aspirant at dating Senador Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na tatakbo sa election 2022.

Ang mga petitioners ay mula sa grupo ng mga Ilocano na tinawag na Pudno Nga Ilokano, at ibang pang survivors ng martial law, sa tulong ni dating Comelec Chairman Christian Monsod, at mga abogado mula sa Ateneo.

Sa kanilang petisyon, kailangan aniyang magsama-sama para harangin ang pagtatangka ni Marcos na tumakbo sa pagka-pangulo.

Si Marcos anila ay nahatulan ng korte sa Quezon City RTC dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis.

Ayon pa kay Margarita Salonga Salandanan, isa sa mga petitioners hiling nila sa COMELEC na agad ikansela ang kandidatura ni Marcos.

Ayon pa sa grupo, ang mga ordinaryong tao ay nagbabayad ng buwis pero hindi nakakatakas, samantalang si Marcos ay basta na lamang aniya nakakalusot sa pagbabayad ng buwis.

Ang bagong petisyon ay ika-apat na disqualification petition laban kay Marcos.

Sa kabuuan, ay nasa walo na ang mga petisyon laban kay BBM, kung saan kasama na rito ang mga nagpapa-kansela sa kanyang Certificate of Candidacy.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.