Isa sa mga dumalo sa community pantry ni Angel Locsin, may sintomas ng COVID-19

Kinumpirma ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) na nakitaan ng sintomas ng COVID-19 ang isa sa mga dumalo sa nagdaang community pantry ng aktres na si Angel Locsin.

Ayon kay CESU Chief Dr. Rolly Cruz, ang subject ay nakakaramdam ng pananakit ng ulo, walang pang amoy at wala ring panlasa.

“Kung may sintomas sila, malamang kailangan ma rule-out natin kung COVID to. And therefore kung COVID to baka mahawaan nila yung pamilya nila. Kung hindi pa man nahahawaan,” pahayag ni Cruz.

Bukod sa doon sa isang nakitaan ng sintomas, may tatlo pang katao na isinalang sa test.

Ngunit ang mga ito ay hindi raw nakitaan ng sintomas ng COVID sa ika-limang araw buhat nang ilunsad ng aktres ang community pantry noong Abril 23.

At limang araw din ang average incubation period ng virus.

(BASAHIN: Quezon City LGU, nanawagan kay Angel Locsin na tumulong sa isasagawang massive testing)

Community pantry ni Angel Locsin, hawaan ng virus ang idinulot —NTF adviser

Para naman kay National Task Force on COVID-19 Adviser Dr. Ted Herbosa, kailangang makumbinsi ng QC LGU ang lahat ng mga dumalo na magpa-test.

Payo rin nito ang pagsasagawa ng contact tracing.

“Dapat i-convince natin na magpa-test sila para hindi na sila makahawa. That’s how we do this, we break transmission. We need to break transmission by doing active contact tracing so that we will be able to stop further infections and transmissions,” pahayag ni Herbosa.

“Siguro umuwi yung mga yan so na-infect nila yung mga ano nila… Mag-oobserve na rin ‘yun. So yun ang value ng contact tracing,” dagdag nito.

Diin din ni Herbosa na ito ang result ng uncoordinated na community pantry ni Locsin.

Patuloy ang hawaan dahil superspreader ang event.

“And that will happen in the couple of weeks. Yan ang difficulty there kasi di ba dapat na prepare din yun. May registration, alam kung sino ang mga pumunta may pila,” aniya pa.

Kaya naman patuloy ang panawagan ng QC LGU sa lahat ng mga pumila at dumalo sa nasabing aktibidad na dumulog sa lokal na pamahalaan at magpa-COVID test.

“Today is the fifth day since Ms. Locsin’s event. The average incubation period for COVID-19 is approximately five days. So we call on everyone who went to last Friday’s gathering, please report to us and have yourself tested. If there was a transmission and you were exposed, you may observe some symptoms manifesting starting today,” panawagan ni Cruz sa mga pumila at dumalo sa nasabing event.

Para sa mga nais magpa-test, magpadala lamang ng request sa official Facebook page ng Quezon City CESU sa https://www.facebook.com/QCEpidemiologyDiseaseSurveillance o via online appointment sa http://bit.ly/QCfreetest.

Maaari ring tumawag sa QC contact tracing hotlines.

QC Contact Tracing Hotlines:

– 8703-2759

– 8703-4398

– 0916-122-8628

– 0908-639-8086

– 0931-095-7737

Prayoridad ng swab testing ang mga dumalo sa community pantry, mga close contact nito at yung mga na-expose sa COVID positive patients, may sintomas ng virus, dialysis patients at mga sasalang sa anomang medical operation na kailangan ng test result.

Ang online booking naman ay available lamang mula Lunes hanggang Biyernes at walang walk-in.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.