Isinumbong kay Pangulong Duterte, Kurapsiyon sa DPWH project

Isinumbong kay Pangulong Rodrigo Duterte ang umano’y korapsiyong nagaganap sa ilang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa bansa.

Sa dalawang pahinang liham na ipinadala sa Office of the President sa Malacanang Palace sa JP Laurel St., San Miguel, Manila, inakusahan ng isang Marilou So, isang taxpayer mula sa Tagum, Davao City, at contractor ng Caanast Construction, na nababalot ng corruption ang DPWH Project ODA sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na nagkakahalaga ng P39-bilyon.

Ayon kay So, personal niyang nakausap si Ramon Arriola, na nagpakilala umanong Project Director ng DPWH UPMO-FCMC, at sinabi umano nito sa kanya na bawat contractor ay dapat na magbigay ng “S.O.P.” na 10%.

Itinalaga rin umano sila nito na maging ahente ng naturang proyekto dahil si Arriola umano ang consignee ng bawat flood control projects ng DPWH.

“I have personally discussed with Mr. Ramon A. Arriola of DPWH PROJECT DIRECTOR UPMO-FCMC, he personally informed us that he is a director stating every contractors should be able to provide an S.O.P. of 10% and allocated us to be the agent in this project as he is the consignee of every flood control projects of the DPWH,” bahagi ng liham ni So, na may petsang Hunyo 8, 2020.

Personal din aniyang sinabi ni Arriola na siya ang umano’y ‘bagman’ ni Secretary Mark Villar at dating Sen. Manny Villar, at ibibigay umano nito sa kanilang kumpanya ang DPWH Project ODA sa BARMM kapalit ng S.O.P. na 10% at 1% na lock-in fee na nagkakahalaga ng P390 milyon.

Dagdag pa ni So, pumayag sila sa gusto nito at nakapagbayad na ang kanilang kumpanya ng partial payment para sa lock-in sa halagang P100 milyon noong Marso 14, 2020 at naganap ang bigayan sa tahanan mismo ni Arriola.

Gayunman, nito aniyang Hunyo 4, 2020 ay nalaman nilang naibigay na sa ibang contractor ang proyekto at hindi na sila makakasama sa bidding kahit pa nakapagbigay na sila ng lock-in fee.

Tumanggi rin umano itong ipa-refund ang perang naibayad nila.

“Mr. Ramon A. Arriola personally stating that he is a bagman of Secretary Mark Villar and Ex-Senator Manny Villar in accordance with the project and would hand over the DPWH Project ODA in BARMM in our firm for an S.O.P. of 10% and 1% Lock-In Fee amounting to 390 Million Pesos,” ayon pa sa liham ni So.

“Our firm has handed over a partial payment for lock-in amounting to 100 Million Pesos dated on March 14, 2020 in the safety of Mr. Ramon Arriola’s home. On June 4, 2020 regretting of the information that he told us he had already contractors for the project and has handed them the T.O.R. and cannot provide anymore T.O.R. even in PhilGeps and that we would not be able to join the bidding even after our firm has handed over the lock-in fee and our money not being refunded,” aniya pa.

Nanindigan pa si So na may mga ebidensiya siya ng bawat transaksiyon at dokumento hinggil sa naturang naganap na korapsiyon.

Umaasa rin aniya siya na maaaksiyunan at mabibigyan ng konsiderasyon ng pangulo ang kanilang reklamo.

“I have evidence of every transaction and documents against this corrupt man. Our dear President corruption is what will kill this country, may this matter be taken into consideration,” pagtatapos pa niya.

Nabatid pa ni So na si Arriola ay hindi career official o walang CESO kaya hindi ito qualify na maging director ng DPWH.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.