Isumbong sa Digong 8888 Hotline, mga reklamong iregularidad sa pamahalaan at masusungit na gov’t employees

Nakatakdang ilunsad ng People’s Television o PTV 4 ang programang “DIGONG 8888 HOTLINE” kung saan maaaring makapagsumbong ng direkta ang publiko ng nalalaman nilang katiwalian sa isang ahensiya ng pamahalaan.

Bukod sa iregularidad, maaari ding iparating sa naturang programa ang mga reklamo na may kaugnayan sa mabagal na proseso ng isang transaksiyon, sumbong kontra sa fixers at mga masusungit na kawani ng pamahalaan.

Isang ahensiya ng pamahalaan ang sasalang din sa kada linggong episode ng Digong 8888 Hotline na tatanggap ng mga katanungan at direktang sumbong mula sa mga manonood, na bibigyan naman ng agarang aksiyon.

Magsisimula ang Digong 8888 Hotline sa darating na July 11, 2019 na mapapanood tuwing araw ng Huwebes, alas-2 hanggang alas-3 ng hapon, na mapapanood din sa affiliate provincial stations ng PTV.

Host ng nasabing programa si Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesperson Salvador Panelo, at Assistant Secretary Kris Roman ng Office of the Chief Presidential Legal Counsel at ni Trixie Jaafar ng PTV news.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.