Jim kay Pangulong Duterte: Subukan mo mag-disinfect gamit ang gasolina

Pinatamaan ng APO Hiking Society member na si Jim Paredes ukol sa suhestiyon nito na gamitin ang gasolina bilang disinfectant.

Ayon kay Paredes, dapat ay ang Pangulo mismo ang sumubok na gamiting pang-disinfect ang gasolina para mapatotohanan ang kanyang mungkahi.

“MR. president, please demonstrate on TV your gasoline disinfectant suggestion,” saad ni Paredes, at kung hindi naman umano nito kaya ay sa kanyang gabinete ipagawa.

“If you are too busy can you ask any of your cabinet, or followers to do it?” aniya pa.

Matatandaan na muling iginiit ni Pangulong Duterte na seryoso siya sa pagsabing pwedeng gawing disinfectant ang gasolina laban sa virus.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.