Jollibee-BGC branch ipinasara ng 3 araw; ‘jolli-towel’ trending

Inanunsyo ng Jollibee Foods Corp. na isasara muna nila ang kanilang branch sa Bonifacio Global City makaraang mag-viral ang isang insidente na tinawag ng netizens na ‘Jolli-towel’.

Sa isang pahayag na inilabas kagabi, Sinabi ng Jollibee na tatlong araw simula Hunyo 3, 2021, isasara ang Jollibee Bonifacio-Stop Over branch “upang masusing suriin ang pagsunod nito sa mga pamamaraan at muling sanayin ang pangkat ng tindahan.”

“Jollibee has carefully developed and complied with food preparation systems to ensure that we deliver excellent quality products and customer satisfaction,” lahad ng kumpanya.

Sa Facebook post ni Alique Perez, umorder siya ng manok via delivery app ngunit nang kakainin na ito, napansin niyang isa pala itong tuwalya na coated sa breading at naka-deep fried pa.

Umani naman ito ng kabi-kabilang batikos mula sa netizens.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.