J&T Express nahaharap sa patong-patong na kaso – PNP

Patong-patong na kaso ang isasampa sa cargo delivery business na J&T Express kasunod ng imbestigasyon na iniutos ni President Rodrigo Duterte tungkol sa umano’y pabayang pamamaraan sa paghawak ng mga item.

Batay kay Philippine National Police Chief Archie Gamboa, nakita ng mga awtoridad ang maraming paglabag ng delivery firm.

Dagdag pa ni Gamboa, bukod dito ay lumabas din sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na lumalabag ang J&T sa labor laws.

Kasalukuyan na itong isinasangguni sa Department of Labor and Employment maging ang paglabag sa Law on Reporting of Communicable Diseases.

“True enough, we were able to successfully file separate cases in violation of RA (Republic Act) 11332 and that of (RA) 7394 or the Consumer Protection Act,” pahayag ni Gamboa sa press briefing.

Base pa sa nadiskubre, ang pwesto nito sa Mandaluyong ay walang permit mula sa Mayor kaya’t agad isilbi ang closure order.

“Our regional offices of the CIDG are also gathering evidence on their provincial hubs as there might also be violations.”

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.