Juan Ponce Enrile naghain ng COC babalik sa senado, Nagkamali sa paglista ng trabaho bilang ‘businesswoman’

Kinumpirma ni dating Senate President Juan Ponce Enrile sa mga mamamahayag na magsusumite siya ng kanyang certificate of Candidacy (COC) sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Joseph Sagandoy.
Napag-alaman na mali ang nailagay sa kanyang form na naglalaman ng maliwanag na pagkakamali habang nakalista ito sa kanyang trabaho bilang ‘businesswoman’.
Sinabi ng tagapagsalita ng Komisyon sa mga Halalan na si James Jimenez na ito ay isang maliit na detalye na madaling maitama at hindi mahalaga sa pagiging karapat-dapat ni Enrile bilang isang kandidato.
Agad naman ito iniwasto ng Abogado ni Enrile sa pamamagitan ng correction fluid para ito ay maitama.
Nag-desiyon si Enrile na tumakbo bilang senador upang ibahagi sa mga mamamayan ang kanyang kaalaman, kung paano malulutas ang mga problema ng bansa na pinag-aralan niya nitong nakalipas na tatlong taon.
Nais rin niyang sumali sa debate patungkol sa pederalismo.
Dagdag ni Enrile, gagamitin niya ang social media sa kanyang kampanya at balak niyang dumalo sa mga rally at magpa-interview sa mga istasiyon ng radyo.
Si Enrile ay nagsilbi sa Senado nang apat na termino at pinakamatandang kandidato para sa Senado sa edad na 94.