Ka Eric sa COA: busisiin ang pag-abuso sa pondo ng Makabayan bloc

Tahasang nanawagan ang dating New People’s Army (NPA) kadre na si Jeffrey “Ka Eric” Celiz sa Commission on Elections (COMELEC) na imbestigahan rin ang mga pondong nakukuha ng Makabayan Bloc.

Kabilang sa mga party-list na kasapi ng Makabayan Bloc ngayong 18th Congress ay ang Bayan Muna, Gabriela, Kabataan at ACT-Teachers.

Ayon kay Ka Eric, hindi bababa sa ₱70-M ang average budget ng bawat kinatawan ng Makabayan Bloc.

At sa isang taon ay nasa ₱420 million ang average na nakukuha ng Makabayan Bloc na ginagamit umano para sa abanse ng CPP-NPA-NDF.

Ayon kay Ka Eric, “Ibig din natin ipaabot sa COA na kung mayroon kayong dapat e-audit ngayon at kung mayroon kayong dapat busisiin sa pag-abuso sa pondo walang iba kundi itong Kamatayan Bloc ng CPP-NPA-NDF na gumagamit ng pondo, bilyon-bilyon in the last 20 years.”

Ayon kay Ka Eric, dapat pagtuunan ito ng COA dahil napupunta sa mga kaaway ng bansa ang pondo ng pamahalaan.

“We are challenging and calling and appealing sa Commission on Audit make a very-very credible and incisive audit kung saan napunta ang pondo ng mamamayan at ng taumbayan na nilulustay at inaabuso ng CPP-NPA-NDF gamit ang kanilang kamatayan bloc na mga party-list. Ito ang dapat kanilang pananagutan and we will support you all the way to that,” sabi pa nito.

Suporado naman ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang panawagan na ito sa COA.

Sinabi ni Chairman Greco Belgica, “Especially may mga allegations na their funds are being used to fund terrorist activities or mga NPA dapat po talagang ma-audit ng COA ‘yan para maging official yung audit report. At masampahan ng kaukulang kaso kung sino man ang may sala.”

Ayon naman kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, umeepal lamang si Ka Eric sa kanyang panawagan sa COA, “Ume-epal lang ang congenital and pathological liar na yan.”

Binigyang diin naman ni Ka Eric na ayaw na ng taumbayan na magpatuloy ang paglustay sa pondo ng gobyerno ng Makabayan Bloc.

“Ang taumbayan ay ayaw na magpatuloy itong abuso sa pondo at lapastangan na ginagawa sa pondo ng bayan na ginagawa ng Gabriela Women’s Party, Kabataan Party, Anak-Pawis, Bayan Muna, ACT-Teachers na lahat binubuo at kinukumpasan ng CPP para manghuthot ng pondo sa gobyerno,”

“Wasakin ang gobyerno at abusuhin ang kabayan ng Bayan. COA must make a categorical stand about that,” saad pa nito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.