Kabataan Partylist representative, most outstanding politician of the year 2020!

Napili si Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago bilang isa sa most outstanding politicians sa buong mundo na nagrerepresenta sa sektor ng kabataan.

Isa ang 30-anyos na mambabatas na makatatanggap ng One Young World Politician of the Year award sa One Young World 2021 Summit sa Munich, Germany sa April 23-26 sa susunod na taon.

“Malugod na ibinabahagi ng @KabataanPL ang pagkilala na ito sa lahat ng kabataan na nagsusulong ng bagong pulitika ng pag-asa, pagkilos at pagbabago na naglilingkod sa sambayanan nang buong husay at katapatan,” ani Elago sa Facebook post.

Si Elago ay nasa ikalawang termino na bilang Kabataan Partylist representative.

Ang taunang One Young World Politician of the Year award ay inorganisa ng London-based youth leadership organization na One Young World.

Nagwagi rin sina Erik Marquardt, 33 ng Germany; Joanah Mamombe, 27 ng Zimbabwe; Michael Tubbs, 30 ng United States; at Zarifa Ghafari, 28 ng Afghanistan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.