Kahit linggo-linggo magpalit ng PhilHealth president dito ‘di mawawala ang fraud – Morales

Mahirap o imposibleng maresolba ang isyung kinakaharap ng Philippine Health Insurance Corp., ayon sa opisyal nito.

Sa pahayag, iginiit ni PhilHealth President and Chief Executive Officer Ricardo Morales na umaaksyon na ang kanilang pamunuan.

“The problem of fraud and inefficiencies confronting PhilHealth are part of a bigger problem, what management experts call a ‘wicked problem’ – a problem that is difficult or impossible to solve for at least four reasons,” aniya.

“Kahit linggo-linggo ho magpapalit ng president dito, hindi ho mawawala ang problemang ito,” dagdag pa nito.

Maaalalang kamakailan lamang ay may nagbitiw na tatlong opisyal ng ahensya dahil sa umano’y korapsyon.

Kasabay nito ay inanunsyo rin ni Presidential Spokesperson Harry Roque Jr. na nasa ilalim na ito ng imbestigasyon kaugnay sa pagbili ng information technology system na nagkakahalaga ng P2 bilyon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.